Kilala ang Barangay Kapitangan sa bayan ng Paombong sa tradisyon ng pagpapako sa krus tuwing Biyernes Santo. Taon-taon, ito ay dinarayo upang masaksihan ang natatanging pangyayari. Dinarayo ito ng mga tao sa iba't ibang bayan at ng media, mapalokal man o internasyonal.
Sa Barangay Talbak, bayan ng Doña Remedios Trinidad makikita ang Talon ng Verdivia.
Kung noon ito ay tago at mga lokal lamang ang nakakaalam, unti unti na itong nagiging kilala at dinarayo ng mga turista. Ang talon na ito ay pinangalanang Verdivia dahil sa luntiang kulay ng tubig sa sapang pinagbabagsakan nito. Ika-20 ng Enero nang ako ay magtungo sa bayan ng Guiguinto. Kasama ko sa aking pagbisita ang dalawa kong kaibigan na litratista na sina Mark at Kepner. Lulan ng motor. Binaybay naming ang Mc-Arthur Hiway mula Meycauayan hanggang Guiguinto.
Ang sadya naming sa bayan na iyon ay upang masaksihan ang Halamanan Festival. Isa sa mga pangunahing industriya ng bayan ang paghahalaman. Sa may barangay Tabang, malapit na sa hangganan ng lungsod ng Malolos, makikita ang tinatawag na “Garden City”. Sa lugar na ito itinatampok ang mga iba’t ibang halaman na nakaayos sa ilalim ng tawiran ng Tabang. Dinadayo ang lugar na yaon dahil sa iba’t ibang uri ng halaman na puwedeng mabili at makadagdag sa ganda ng hardin ng bawat mamimili. "Ang Dambana ng Meyto ang siyang nagsisilbing lugar na tanda ng pagkasilang ng Kristiyanismo. Hindi lamang sa probinsiya ng Bulacan, kundi sa kalakhang bahagi ng Gitnang Luzon." Isa ang Calumpit sa mga pinakaunang bayan ng lalawigan. Ang nasabing bayan ay naitatag noong taong 1539 (ayon sa nakasaad sa opisyal na sagisag ng Calumpit), ngunit ito ay pormal na napansin ng mga prayleng Kastila noong taong 1572. Sa taong din ito inilapag ang krus na sumisimbolo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa lugar na kinatatayuan mismo ng dambana ngayon.
Matagumpay akong nakadalo sa ikalawang araw ng Pista ng Salubong. Nakarating ako sa Poblacion, Plaridel ng katanghalian tapat. Kita ko na agad ang dami ng tao sa himnasyo, hudyat na mag-uumpisa na ang patimpalak sa sayaw. Ang mga kasali sa araw na ito ay ang mga mag-aaral na nabibilang sa mataas na antas/hayskul.
Nagtungo sa bayan ng Plaridel noong ika-29 at ika-30 ng Disyembre upang masaksihan ang Pista ng Salubong para kay Apostol Santiago. Itinatampok din sa kapistahan na ito ang parada ng mga kabayo kaya ang Pista ng Salubong ay kilala rin bilang Plaridel Horse Festival. Sinasabi na si Apostol Santiago ang patrong santo ng mga kutsero. Ika-29 ng Septiyembre nang ginanap ang ika-labing apat na Kapistahan ng mga Anghel o Angel Festival ng bayan ng San Rafael. Ito ay ginaganap bilang pag-gunita sa patrong santo na si San Rafael. Ang kapistahan na ito ay nag-umpisa noong taong 2002 na pinamunuan ng Konseho ng Turismo ng San Rafael at ang Parokya ng San Juan de Dios. Ang araw ng kapistahang ito ang araw na ang mga anghel ay tila bumababa mula sa kalangitan upang handugan ang mga tao ng saya sa pamamagitan ng pag-sayaw.
Sa Sitio Cogonan, Brgy. Sibul, bayan ng San Miguel ay may nakakubling bisita na nakapaloob sa isang kuweba. Ang pagkamangha sa balitang ito ang siyang nagtulak sa amin ng kaibigan ko na si Kuya Eduard na hanapin ito.
Unang beses ko makarating sa Doña Remedios Trinidad noong nakaraang ilang buwan. Ang bayan na ito ang isa sa pinakaliblib na lugar sa Bulacan. Marami pang dapat na madiskubre sa lugar na ito, kaya napagpasyahan ko na bumalik dito. Sa tulong ng aking kaibigan na si kuya Eduard, napuntahan ko ang isa sa mga hindi mabilang na nakatagong kayamanan ng DRT- ang Talong Pari.
Ang Kapistahan ng Singkaban ngayong taon ay ginanap noong ika-8 ng Setyembre na siyang kapanganakan din ng Birheng Maria. Ito ang kapistahan na kung saan ang pangkalahatan ng Bulakan ay nakikisaya at nakikidalo sa mga programang naisagawa ng probinsiyal na pamahalaan ng Bulakan. Sampung taon ang nakaraan, naisip ng probinsiyal na pamahalaan na magsagawa ng kapistahan ang buong Bulakan upang mataguyod nito ang kalinangan at kultura ng buong probinsiya. Ang selebrasyon ay unang tinawag na Linggo ng Bulakan. Kinalaunan, ito ay tinawag ng "Singkaban Festival". Ang tema ng kapistahan para sa taong ito ay: "Bulacan, Dangal ng Bansa! Lahing Bulakenyo, Ating Ibandila!".
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|