Kilala ang Barangay Kapitangan sa bayan ng Paombong sa tradisyon ng pagpapako sa krus tuwing Biyernes Santo. Taon-taon, ito ay dinarayo upang masaksihan ang natatanging pangyayari. Dinarayo ito ng mga tao sa iba't ibang bayan at ng media, mapalokal man o internasyonal. Umaga pa lang at nagpaparamdam na ang napakainit na panahon. Kasama ang samahan na Focus Bulacan, isang grupo ng mga litratista na nakabase sa probinsiya ng Bulacan, kami ay nagtungo sa Kapitangan. Nang kami ay makarating sa nasabing barangay, may mga iilan na deboto ang nagpepenitensiya habang ang iba ay nakapila sa kapilya upang masilayan ang mga poon , habang ang iba naman ay inaabangan ang pagpapako sa krus. Sa tindi ng init ng araw, siksikan ang mga tao sa lilim at magtiyagang inaabangan ang gaganaping pagpapapako. Nang magbigay na ng anunsiyo na ang uumpisa na ang programa agad nagtipon ang mga tao sa gitna ng patyo. Nakakatusok man sa balat ang init ng araw, kami ay nagtiyaga masilayan lamang ang natatanging kaganapan. May pagtutol man ang Simbahang Katoliko sa pagpapako, ito ay nanatili ng malakas na tradisyon sa maraming bayan sa Pilipinas. Isa itong tanda na sadyang hindi mapipigilan ang pagkakabuo ng mga tradisyon na labas sa aral ng simbahan dahil isa itong paraan upang mas mapagtibay ng tao ang kanilang paniniwala. Ang pangyayaring ito ay maitatawag ng syncretism o ang pagkakahalo ng iba’t ibang kultura upang maging isang panibagong kultura. Hindi ko lamang maiwasan madismaya sa iilang mga tao sapagkat may mga ilan na nagrereklamo na matagal silang nag-aantay sa init ng araw. Madalas ko marinig ang mga ssigaw na “Ang tagal naman!”, “Matutusta na kami dito!”, “Ang tagal namang ipako!”, at iba pang mga kantiyaw. Kung ako ay tatanungin, ito ay kawalang respeto sa ginaganap na tradisyon at kawalan na rin ng respeto sa mga taong nagsasagawa ng programa. Nararapat lamang na matuto ang mga tao na magkaroon ng pasensiya. Tayo man ay nahihirapan dahil sa init ng panahon, kailangan matutong makisama dahil karamihan sa kanila ay bisita lamang. Kailangang bigyang konsiderasyon na nahihirapan din ang nagpapako at ipapako sa krus. Lubos na paghahanda ang kailangang gawin upang ito ay maging posibilidad. Ang pagpapako sa krus sa Barangay Kapitangan ay ginaganap tuwing Biyernes Santo. Upang makarating sa Barangay Kapitangan, magtungo sa bayan ng Malolos. Sumakay ng jeep patungong Paombong. Bumaba sa Poblacion at sumakay ng tricycle patungong Kapitangan.
9/16/2016 08:18:56 pm
Though the Catholic Church has always discouraged activities like these, I am quite curious as to what it's like to see this in person (or even to actually do it!)
Reply
2/9/2017 11:10:32 am
hey there Juann! never too late to reply on your comment (hehe). It is quite an experience to witness this event in person, perhaps you could visit Paombong this year's Holy week? :)
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|