Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Ika-29 ng Septiyembre nang ginanap ang ika-labing apat na Kapistahan ng mga Anghel o Angel Festival ng bayan ng San Rafael. Ito ay ginaganap bilang pag-gunita sa patrong santo na si San Rafael. Ang kapistahan na ito ay nag-umpisa noong taong 2002 na pinamunuan ng Konseho ng Turismo ng San Rafael at ang Parokya ng San Juan de Dios. Ang araw ng kapistahang ito ang araw na ang mga anghel ay tila bumababa mula sa kalangitan upang handugan ang mga tao ng saya sa pamamagitan ng pag-sayaw.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|