Ang araw ng ika-23 ng Hunyo ang bisperas ng kapanganakan ni San Juan Bautista. Sa araw na ito ay ginaganap ang Libad Festival. Ang nasabing kapistahan Si San Juan Bautista ang nagsisilbing patrong santo ng bayan ng Calumpit.
Ang bayan ng Calumpit ay may taglay na mahalagang kasaysayan sapagkat ito ang unang bayan sa Bulacan na tanggapin ang paniniwalang Kristiyanismo. Isa sa paraan ng pag-gunita sa kasaysayan na ito ay ang Pista ng Libad. Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Daang Bakal: Ang Pagbakas Sa Mga Natitirang Bahagi ng Ferrocarril de Manila-Dagupan sa Bulacan4/9/2016 Ang tren ay mahalaga sa pagtataguyod ng bansa. Mas napapabilis ang paghahatid ng mga kalakal at serbisyo sa mga malalayong lugar. Napapayabong nito ang kalakaran at nakakagawa ng mga kabuhayan para sa mga tao. Ang pagyabong ng kalakaran at kabuhayan ay nagiging sanhi ng paglakas ng ekonomiya. "Ang Dambana ng Meyto ang siyang nagsisilbing lugar na tanda ng pagkasilang ng Kristiyanismo. Hindi lamang sa probinsiya ng Bulacan, kundi sa kalakhang bahagi ng Gitnang Luzon." Isa ang Calumpit sa mga pinakaunang bayan ng lalawigan. Ang nasabing bayan ay naitatag noong taong 1539 (ayon sa nakasaad sa opisyal na sagisag ng Calumpit), ngunit ito ay pormal na napansin ng mga prayleng Kastila noong taong 1572. Sa taong din ito inilapag ang krus na sumisimbolo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa lugar na kinatatayuan mismo ng dambana ngayon.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|