Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Ang Labanan sa Kakarong de Sili ay isang makasaysayang pook na matatagpuan sa Real de Kakarong sa sa bayan ng Pandi. Sinasabi na ang pook na ito ay isa sa mga naunang naitatag ng rebolusyonaryong republikang Pilipino. Sa pook rin na ito naganap ang isa sa mga pinakamadugong labanan noong panahon ng mga Kastila.
|
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|