Sa Barangay Talbak, bayan ng Doña Remedios Trinidad makikita ang Talon ng Verdivia. Kung noon ito ay tago at mga lokal lamang ang nakakaalam, unti unti na itong nagiging kilala at dinarayo ng mga turista. Ang talon na ito ay pinangalanang Verdivia dahil sa luntiang kulay ng tubig sa sapang pinagbabagsakan nito. Mula Meycauayan, ako ay nagtungo sa bayan ng Doña Remedios Trinidad. Lulan ng jeep galing Meycauayan ako ay bumaba sa Brgy. Santa Rita, Guiguinto at sumakay sa bus patungong San Miguel. Pagbaba ng Camias ay kinatagpo ko si Kuya Eduard, ang siyang magiging guide sa Talon Verdivia. Mula Sitio Madlum, binaybay namin ang kahabaan ng National Road sa DRT hanggang sa marating namin ang Barangay Talbak.
Noong taong 1977 ang mga barangay Bayabas, Camachile, Camachin, Kabayunan, Kalawakan, Pulong Sampalok, Sapang Bulak, at Talbak ay pinagkaisa upang maging Bayan ng Doña Remedios Trinidad. Ayon kay Ginoong Ante, may pagkamasalimuot ang kalagayan ng bayan na ito sa kasalukuyan. Dahil sa dami ng likas na yaman ng bayan na ito, nangyayari ang ilegal na pangangahoy,pagsisilyar, pagmimina na siyang may masamang epekto sa kalikasan tulad ng paghahalo ng kemikal sa daluyan ng tubig na siyang umaabot sa ilog, pagkakapatag ng ilang mataas na lugar, at ang malaking posibilidad na pagkakaunti ng punong-kahoy sa madaling panahon. Sa usapin na ito, malaki ang ginagampanan na responsibilidad ng mga namumuno sa bayan ng DRT. Bukod sa mga tao, nasa kanila ang desisyon upang tutulan o payagan ang mga korporasyon kung gaano kasidhi ang gagawing pangangahoy o pagsisilyar sa bayan ng DRT. Idiniin ni Ginoong Ante ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga taong-bayan lalo na sa mga kabataan. Isa sa mga mahahalagang aral na gusto parati niyang ipinamamalas sa kanyang pamilya at kabarangay ang pagpapahalaga sa kalikasan. Hindi man ito magbibigay sa iyo ng salapi, ito naman ay para sa ikabubuti ng susunod na mga henerasyon. Idiniin din niya ang kahalagahan ng aktibong paglahok ng mga tao sa usapin na may kinalaman sa politika at kalagayan ng kanilang bayan dahil napakahalaga na alam nila ang ginagawang desisyon ng mga namumuno sa kanilang lugar at kung paano ito makakaapekto sa kanila at sa kalikasan.
Matapos ang naging mabungang talakayan namin ni Ginoon Ante ay naglaan ako ng oras upang pagmasdan ang natatanging ganda ang talon. Maraming tao ang nasisiyahan sa paglangoy, pagtalon, at pagbalsa. Maituturing na isang kayamanan ang lugar na ito. Sana mapanatili ang ganda ng lugar na ito sa hinaharap. Sa aking paglisan sa Talon Verdivia, dala ko ang bagong karanasan at kaisipan na aking natutunan.
5/20/2016 09:32:58 am
Hi Powell,
Reply
Shiela Sabandal
11/14/2016 07:41:36 am
Hi,
Reply
11/14/2016 07:47:38 am
Shiela,
Reply
Ryan
1/20/2017 09:06:31 am
Pwede po ba gumamit ng motorcycle papunta at meron po b paradahan?
Reply
1/23/2017 07:44:31 am
Magandang araw Ryan,
Reply
TETAH
3/26/2017 06:30:02 am
Hi, magkalapit lang po ba ung Puning Cave at Verdivia Falls? Thanks
Reply
3/27/2017 09:18:55 am
magandang araw! malayo ang puning cave sa verdivia falls kailangan ito ay tahakin ng mahigit kumulang na 45 minutes lulan ng sasakyan.
Reply
Jeremy
3/31/2017 09:33:39 am
Sir .. paano pumunta kapag naka.motorcycle . Saka magkano ang budget sa trip
Reply
4/5/2017 05:29:24 pm
Magandang araw po G. Jeremy,
Reply
Jamila
5/4/2017 01:43:42 am
Kuya kenyo pinahihintulutan Po ba Ang bata, Kung oo anong edad Po? May bayad Po ba Ang tour guide? Salamat Po SA sagot
Reply
5/4/2017 09:35:13 am
Magandang araw Jamila! Pinahihintulan naman na makapunta ang kahit anong edad upang makapasok sa vicinity ng Verdivia Falls. Sa kasalukuyan kinakailangan na ng guide kapag nais na magpunta sa nasabing talon. May karampatang kabayaran ang guide ngunit hindi ko pa alam ang huling update ukol sa presyo.
Reply
Jam
5/4/2017 08:53:26 pm
Maraming Salamat sa sagot. Mabuhay ka.
Arlys-Jean
5/21/2017 03:38:00 pm
hello po sir..
Reply
Tinay
8/2/2017 04:47:32 am
Magandang umaga, Ginoo! Nais po naming malaman kung saan mismo ang lugar na ito at kung madali lamang itong mapuntahan? Iyon lamang po at maraming salamat! :)
Reply
Jam
9/2/2017 03:32:36 pm
Hello kuya pwede po ba matanong ung number ni kuya edward para masamahan kami bilang tourguide bukas sa verdivia falls..
Reply
9/5/2017 09:45:25 am
Ipagpaumanhin ninyo ang nahuli kong sagot, natuloy po ba kayo nung nakaraang sabado.?
Reply
Hanna Victoroio
2/17/2018 07:31:13 am
Hi Sir. Ask ko lang sana if paano way papunta jan pag galing ng mandaluyong? Pwede kaya mag overnight jan? Pwde po ba mag camping? Or mag tent pitching? Salamat po
Reply
7/17/2018 11:49:23 pm
In DUI drugs cases prosecutors often try to mislead the jury into believing that being above the "therapeutic value" of a drug is the same as being over the legal limit. This is misleading because there are no legal limits for drugs other than alcohol and a drug's therapeutic value has nothing to do with its intoxicating characteristics.
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|