Ang Museo ni Marcelo H. del Pilar na maaring mabisita sa Sitio Cupang, Barangay San Nicolas, bayan ng Bulakan ay isa sa mga natatanging yaman ng bayan sapagkat dito masasaksihan o matutunan ang mga inihandog ni Marcelo H. del Pilar sa bayan/ bansa. Isa na rito ang pagpapabatid ng mga reporma na ninanais noong panahon ng pananakop ng mga Kastila at ang mga adhikain na nakadulog sa pagpapalaya ng kaisipan ng Filipino, at kalaunan…sa paglaya ng bansang Pilipinas.
Ang araw ng ika-23 ng Hunyo ang bisperas ng kapanganakan ni San Juan Bautista. Sa araw na ito ay ginaganap ang Libad Festival. Ang nasabing kapistahan Si San Juan Bautista ang nagsisilbing patrong santo ng bayan ng Calumpit.
Ang bayan ng Calumpit ay may taglay na mahalagang kasaysayan sapagkat ito ang unang bayan sa Bulacan na tanggapin ang paniniwalang Kristiyanismo. Isa sa paraan ng pag-gunita sa kasaysayan na ito ay ang Pista ng Libad. Mahalaga na makilala ang sariling bayan dahil ito ang pugad ng iyong pagkakakilanlan. Isa sa mga tanging paraan upang ito ay maisakatuparan ay ang paglalakbay. March 26, 2017: Eksaktong isang taon na ang nakalipas nang malakbay ko ang lahat ng bayan sa lalawigan ng Bulacan. Saktong isang taon, sa araw na ito, ay nalakbay ko naman ang lahat ng barangay sa bayan ng Meycauayan.
Aking pinuntahan ang dalawampu’t anim na barangay sa lungsod ng Meycauayan. Bilang tanda ng pagkakatapak ko sa bawat barangay, ay ang mga larawan ng mga pangunahing bisita at parokya sa mga barangay ng Meycauayan. Ang Sitio Palanas ay isa sa mga maraming Sitio sa Barangay Kalawakan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad. Ang sitio na ito ay bahagi ng ancestral domain ng mga Dumagat. Ayon sa mga nakasalamuha ko dito, Kung noon ito ay isang liblib na lugar, unti-unti nang napapaunlad ang sitio na ito. Iyon din ang aking nasaksihan noong ako ay bumisita sa lugar na ito.
Bisita Iglesia sa Bulacan: Ang Pagbagtas sa mga Pangunahing Parokya sa bawat Bayan ng Bulacan3/3/2017 Ang Bulacan ay kilala bilang isang probinsiyang mayaman sa kasaysayan. Ito ay mababakas sa marami nitong lumang simbahan na naitaguyod pa noong panahon ng mga Kastila. Sa tuwing sasapit ang Semana Santa, popular na destinasyon ang Bulacan upang magsagawa ng Bisita Iglesia.
Mag-iisang taon na rin ang lumipas mula nang matagumpay kong napuntahan ang lahat ng bayan sa Lalawigan ng Bulacan. Panahon ng Kuwaresma nang inisa-isa ko ang mga pangunahing parokya sa bawat bayan ng Bulacan. Sa artikulo na ito ay aking ibinabahagi ang mga larawan nang mga parokya na aking nabisita noong nakaraang Semana Santa. Ang lumang istasyon ng tren ng Guiguinto ay dating bahagi ng daang bakal na Ferrocaril Manila-Dagupan na naitayo noong panahon ng mga Kastila. Ang daang bakal na ito ang nagsilbing paraan upang padaliin ang kalakaran sa mga bayan na nasasakupan ng daang bakal na ito.
Sa lalawigan ng Bulacan isa ang lumang istasyon ng Guiguinto sa mga natitirang limang lumang istasyon ng tren sa lalawigan. Ang buwan ng Enero ay espesyal sa bayan ng Bustos sapagkat dito ipinagdiriwang ang 'Minasa Festival'. Sa kapistahan na ito itinatampok ang natatanging produkto ng bayan, ang minasa. Sa kapistahan din ito ipinamamalas ng mga kabataan ang kanilang talento sa pag-indak na nagsisilbing sayaw-salaysay ng bayan.
Noong nakaraang ika-4 ng Oktubre idiniwang ang Dakilang Kapistahan ni San Francisco ng Assisi. Sa kabayan ng Meycauayan idinaos ang kapistahan na kung saan kabilang ang pagdapit sa imahen ni San Francisco paikot sa mga kalapit na barangay at pabalik sa parokya, indakan sa kalye, pagdaos ng banal na misa, prusisyon, at pag-aalay kay San Francisco.
Ilang araw bago sumapit ang Kapistahan ni St. Francis ng Assisi, ay ginaganap ang Lakbayan sa Lungsod ng Meycauayan.
Isa itong natatanging pagganap na sumasalamin sa pagkakataguyod ng Kristiyanismo sa Meycauayan at ang paglilipat ng sentro ng parokya sa nasabing bayan. Ang kauna-unahang Tanglawan Festival ay inilunsad ngayong taong 2016 upang magbigay pugay sa ika-16 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng San Jose del Monte. Sa pangunguna ng pamunuang kawani ng Pamahalaang Lungsod, ang Tanglawan Festival ay isang naging posibilidad upang mabigyang pansin ang iba’t ibang sektor ng lungsod at itampok ang anibersaryo ng pagiging lungsod ng SJDM. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|