Ika-29 ng Septiyembre nang ginanap ang ika-labing apat na Kapistahan ng mga Anghel o Angel Festival ng bayan ng San Rafael. Ito ay ginaganap bilang pag-gunita sa patrong santo na si San Rafael. Ang kapistahan na ito ay nag-umpisa noong taong 2002 na pinamunuan ng Konseho ng Turismo ng San Rafael at ang Parokya ng San Juan de Dios. Ang araw ng kapistahang ito ang araw na ang mga anghel ay tila bumababa mula sa kalangitan upang handugan ang mga tao ng saya sa pamamagitan ng pag-sayaw.
Para sa taong ito, ang naging tema ng kapistahan ay "Zumba Fiesta". Ang mga anghel ay sumayaw sa salitang saliw ng zumba at ang himig ng San Rafael. Sadyang makulay ang naging kaganapan at nakakatuwang makita ang mga kabataan na sila ay aktibong sumasali sa kaganapan sa kanilang bayan. Sa harap ng simbahan ng San Juan de Dios humihinto panandalian ang bawatn grupo upang ipamalas ang kanilang husay sa pag-sayaw. Matapos magpamalas ng husay ang bawat grupo sa harap ng parokya, nagtungo ang mga Anghel sa himnasyo sa looban ng Munisipyo ng San Rafael. Doon gaganapin ang patimpalak, ang mga mananalo ay bibigyan ng pabuyang salapi na siyang gaganapin upang mapaunlad ang kanilang paaralan.
Umuwi ako bago pa man matapos ang programa. Sa gabing iyon ay may gaganapin na parada at fireworks display. Hindi ko man ito nasaksihan ako ay mapalad na makisaya sa pagdiriwang na ito. Habang hinihintay ko ang bus papuntang Santa Rita, aking pinagmasdan ang kaparangan. Kitang-kita ang Bundok Arayat sa kalayuan.
Brad Fenomeno
11/16/2015 12:03:59 pm
Maraming Salamat!
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|