Matagumpay akong nakadalo sa ikalawang araw ng Pista ng Salubong. Nakarating ako sa Poblacion, Plaridel ng katanghalian tapat. Kita ko na agad ang dami ng tao sa himnasyo, hudyat na mag-uumpisa na ang patimpalak sa sayaw. Ang mga kasali sa araw na ito ay ang mga mag-aaral na nabibilang sa mataas na antas/hayskul.
Ipinakita ang gilas ng mga mananayaw sa mismong patimpalak. Madalas, ay inuumpisahan ng bawat grupo ang kanilang palabas sa pamamagitan ng mahusay na balagtasan. Sa naggagandahang kasuotan at masayang pag-indak ang mga manunuod ay hindi magkamayaw na magsigawan o tilian, ang karamihan dito ay upang suportahan ang paaralan na kanilang kinabibilangan. Mahirap husgahan kung sinong grupo ang mananalo dahil lahat ng mga grupo ay nakapagpamalas ng natatanging kahusayan. Matapos magpakita ng kahusayan ang mga kalahok, sinimulan na ang paghahanda para sa indakan sa kalye at ang parada ng mga karosa. Ang mga karosa ay ang kinatawan ng iba't ibang nakilahok na organisasyon tulad ng mga paaralan at mga institusyon, nakisaya rin ang mga ilang panauhing artista. Nang makita ko ng malapitan ang lahat ng mga grupo, ako ay nagpunta sa tore ng simbahan upang masilayan ko sa malayong perspektibo ang kaganapan.
Ang Pista ng Salubong ay ginaganap tuwing ika 29 at ika 30 ng Disyembre.
Kung manggagaling ng ka-Maynilaan, maaring sumakay ng bus papuntang bayan ng Baliwag. Bumaba sa pinakatawiran sa Plaidel at maglakad o sumakay ng tricycle papuntang Poblacion. Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|