Sa Sitio Cogonan, Brgy. Sibul, bayan ng San Miguel ay may nakakubling bisita na nakapaloob sa isang kuweba. Ang pagkamangha sa balitang ito ang siyang nagtulak sa amin ng kaibigan ko na si Kuya Eduard na hanapin ito. Matapos bumisita sa Talon Pari sa bayan ng , pinuntahan namin ang Sitio Cogonan at ipinagtanong-tanong ang direksiyon kung saan mahahagilap ang grotto. Dinaanan namin ang maputik na daanat at nahanp din namin ang nasabing grotto. Simple ang disenyo ng harapan ngunit kapag pumasok sa loob ay isang maliit na kuweba pala ang nasabing bisita. Nakapintura ng puti at asul ang ibabang bahagi ng kuweba, mapapansin na rin ang pagkaitim ng estalaktika bunsod ng usok na nagmula sa mga nasindihang kandila. Sa altar, makikita ang iba't ibang imahe ng Our Lady of Lourdes. Ang yungib na ito ay isang malakas na katibayan ang masidhing debosyon na iniaalay ng mga tao sa kanilang mananampalataya. Upang mapuntahan ang bisita makipag-ugnayan lamang sa Pamahalaang Barangay ng Sibul pati na rin sa Pamunuang Sitio ng Cogonan. Maaari silang makatulong upang maituro kung saan matatagpuan ang nasabing bisita.
Cora Angulo
4/20/2016 10:11:53 am
I am impress and wanted to visit this place .may you please email the proper direction and is it open everyday
Reply
4/21/2016 06:50:19 pm
Good day Ms. Cora. My apologies for the late response. I went there with a friend and did not took notice of the exact direction though the near landmark is the Cogonan Day Care Center along the National Hiway. What I can suggest is to coordinate with the Barangay office of Sibul Spring then with the Pamunuang Sitio Cogonan :) They can help you locate the grotto.
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|