Ika-20 ng Enero nang ako ay magtungo sa bayan ng Guiguinto. Kasama ko sa aking pagbisita ang dalawa kong kaibigan na litratista na sina Mark at Kepner. Lulan ng motor. Binaybay naming ang Mc-Arthur Hiway mula Meycauayan hanggang Guiguinto. Ang sadya naming sa bayan na iyon ay upang masaksihan ang Halamanan Festival. Isa sa mga pangunahing industriya ng bayan ang paghahalaman. Sa may barangay Tabang, malapit na sa hangganan ng lungsod ng Malolos, makikita ang tinatawag na “Garden City”. Sa lugar na ito itinatampok ang mga iba’t ibang halaman na nakaayos sa ilalim ng tawiran ng Tabang. Dinadayo ang lugar na yaon dahil sa iba’t ibang uri ng halaman na puwedeng mabili at makadagdag sa ganda ng hardin ng bawat mamimili.
Matagumpay naming napanuod ang bawat grupo. Ang huling barangay na nagpakitang-gilas ay ang Barangay Daungan.
Hindi na naming nasaksihan kung sino ang nagwagi sa patimpalak, para sa amin lahat sila ay nagwagi dahil matagumpay nilang nagampanan ang kanilang tungkulin na pangatawanin ang kanilang barangay. Binaybay ulit naming ang kahabaan ng Mc-Arthur Hiway mula Guiguinto hanggang Meycauayan. Pagod man sa pakikidalo at pamamasada, bitbit naman naming ang isang bagong karanasan na nakapagpasaya sa amin. Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|