"Ang Dambana ng Meyto ang siyang nagsisilbing lugar na tanda ng pagkasilang ng Kristiyanismo. Hindi lamang sa probinsiya ng Bulacan, kundi sa kalakhang bahagi ng Gitnang Luzon." Isa ang Calumpit sa mga pinakaunang bayan ng lalawigan. Ang nasabing bayan ay naitatag noong taong 1539 (ayon sa nakasaad sa opisyal na sagisag ng Calumpit), ngunit ito ay pormal na napansin ng mga prayleng Kastila noong taong 1572. Sa taong din ito inilapag ang krus na sumisimbolo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa lugar na kinatatayuan mismo ng dambana ngayon.
Walang katao-tao nang mga oras na iyon. Ang katahimikan ang nagsilbing pakinabang upang mas lalo kong mapakiramdaman ang kagandahan at kahalagahan ng dambana. Inikot ang bawat sulok at pinagmasdan ang arkitektura at disenyo nito. Simple kung tutuusin, ngunit may taglay na gilas at dingal ang lugar na ito. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang dambanang ito ang nagsisilbing lugar kung saan ipinalaganap ang Kristiyanismo sa buong lalawigan at kalakhang bahagi ng Gitnang Luzon. Maihahambing ang dambana sa Krus ni Magellan sa probinsiya ng Cebu (Ito ay base sa aking pagkakaalala sa itsura nito sa mga libro). Masasabi ko na may kaunting kahirapang magpunta sa lugar na ito dahil sa kakulangan ng mga markang magtutungo sa kinaroroonan ng dambana. Ngunit sa pagtatanong sa mga lokal o kaya’y maagang pananaliksik, hindi naman talaga mahirap madatnan ang Meyto.
Nakakalungkot mang isipin, kailan ko lamang nalaman ang lugar na ito at natutunan ang halaga ng kasaysayan nito. Saka ko rin naisip ang halaga ng mga institusyon tulad ng mga paaralan, dahil sila ang magsisilbing tulay upang maiparating sa mga kabataan ang halaga ng mga pook na tulad nito. Sila rin ang magsisilbing daan upang mapayabong ang kaalaman sa lokal na kasaysayan, na siyang mahalaga sa pagtataguyod ng nasyonalismo at sangkap para sa tinatawag na nation-building. Nilisan ko na ang lugar matapos ang ilang sandali ng pagnilay-nilay. Bitbit ang bagong karanasan, ramdam ko na ako ay ipinagpala. Habang nakasakay sa tricycle papuntang Poblacion, ramdam ko ang kasimplehan ng lugar. May kainitan ngunit mahangin nang mga oras na iyon. Kita ko ang malalawak na sakahan at palaisdaan habang pumapasada ang tricycle na aking lulan. Paano makakapunta sa Dambana ng Meyto?
Para sa mga tiga-Bulacan: -Galing sa iba't ibang bayan ng Bulacan, gumawi sa siyudad ng Malolos at sumakay ng jeep papuntang Calumpit. Maari rin namang dumeretso na sa Calumpit kung may masasakyan mula sa inyong bayan. -Bumaba sa may crossing malapit sa palengke at hanapin ang paradahan ng tricycle papuntang Meyto. Sabihin sa tsuper na ibaba sa "Meyto Shrine". Galing Maynila -Kung manggagaling naman sa Metro Manila, sumakay ng bus o fx papuntang Malolos o Calumpit-Apalit. -Bumaba sa may crossing ng Calumpit malapit sa palengke at hanapin ang paradahan ng tricycle papuntang Meyto. Sabihin sa tsuper na ibaba sa "Meyto Shrine". *Sa kasalukuyan, walang entrance fee sa nasabing pook. Lahat ay malayang makapunta basta't matutong galangin ang nasabing lugar, lalo na kapag bisita lamang.
Dagdag kaalaman lang din po :)
Reply
3/23/2016 08:09:37 pm
Magandang gabi Angel! Maraming salamat sa mga karagdagang impormasyon na iyong naibahagi. Magandang karanasan kung makikita ang naturang krus na nasa pangangalaga ngayon ng isang Aglipay Chapel.
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|