Ang Kapistahan ng Singkaban ngayong taon ay ginanap noong ika-8 ng Setyembre na siyang kapanganakan din ng Birheng Maria. Ito ang kapistahan na kung saan ang pangkalahatan ng Bulakan ay nakikisaya at nakikidalo sa mga programang naisagawa ng probinsiyal na pamahalaan ng Bulakan. Sampung taon ang nakaraan, naisip ng probinsiyal na pamahalaan na magsagawa ng kapistahan ang buong Bulakan upang mataguyod nito ang kalinangan at kultura ng buong probinsiya. Ang selebrasyon ay unang tinawag na Linggo ng Bulakan. Kinalaunan, ito ay tinawag ng "Singkaban Festival". Ang tema ng kapistahan para sa taong ito ay: "Bulacan, Dangal ng Bansa! Lahing Bulakenyo, Ating Ibandila!". Ano ba ang Singkaban? Singkaban ang tawag sa mga arko na yari sa kawayan. Ang singkaban ang siyang ginagamit ng arko ng bawat bayan o barangay sa tuwing may kapistahan sa isang lugar. Isa itong marka ng pagdiriwang na nababakas sa ating pagka-Filipino. Ang pag-gawa ng singkaban ay isa sa mga pangunahing industriya sa bayan ng Hagonoy at Malolos. Kawayan ang siyang naging simbolo ng Bulakenyo dahil laganap ang halaman na ito sa buong probinsiya lalo na sa bayan ng Meycauayan bago pa umusbong ang urbanisasyon sa lugar na iyon. Bukod pa sa nasabing dahilan, ang kawayan ang isa sa mga sumisimbolo sa probinsiya ng Bulakan dahil rin sa magagandang katangian nito. Una ay ang maraming gamit nito sa pangangailangan ng tao. Ikalawa ang katangian ng pagiging magpakumbaba. Sa kabila ng mga nagdadaang bagyo, ang kawayan ay nananatiling nakayuko at sumusunod sa malakas na hangin upang maging matayog ulit matapos ang ilang unos na naganap.
Kabilang sa opisyal na pagbubukas ng Kapistahan ng Singkaban ang pagbubukas ng Bulacan Food Fair and Exposition. Sa kaganapan na ito makikita ang mga negosyong nagmula sa Bulakan, dito rin makikit ang mga booth ng mga bayan o munisipalidad ng Bulakan na pinapakita ang mga produktong pagkain sa kanilang lugar.
Ang panauhing pangdangal sa kaganapag ito ay si Senador Benigno Aquino IV o mas kilala bilang Sen. Bam Aquino. Kanyang tinalakay ang kahalagan ng programang GoNegosyo na siyang naglalayon na paunlarin ang mga maliliit na negosyo. Nilalayon ng programang ito na mas paunlarin ang merkado at mas kilalanin ang produktong yari o gawa mismo sa sariling bayan. Matapos ang programa ako ay nagtungo sa himnasyo na kung saan naghahanda ang mga mananayaw para sa indakan. Ang mga mananayaw ay kinabibilangan ng mga mag-aaral at siya ring mga katandaan. Sa kabila ng init ng araw, sila ay nagpamalas ng husay sa pag-sayaw. Ang mga iba ay nanggaling pa sa ibang bayan bilang kinatawan ng sarili nilang bayan. Kabilang sa indakan ang parada ng mga kalahok sa Hari at Reyna ng Bulacan. Kabilang rin sa indakan ang mga karosang pinaparada na nanggaling pa sa iba't ibang bayan ng Bulakan. Sadyang masaya at makulay ang naganap na Indakan sa Kalaye. Nagpatuloy ang sayawan hanggang sa makaabot sila sa Bulacan Sports Complex upang doon ianunsiyo kung sino ang nanalong grupo sa pag-indak.
Sa kasamaang palad, hindi na ako nakapunta sa nasabing kaganapan dahil kailangan ko ng nang makuwi kaagad. Ngunit gayunpaman, masasabi ko na sulit ang naging araw na ito dahil nasaksihan ko ang isang kapistahan na siyang nagpapamalas ng Sining at Kalinangan ng Probinsiya ng Bulakan. 10/7/2015 08:47:21 pm
Nice photos! So colorful. Will attend this next year!
Reply
10/8/2015 02:16:39 am
As a person who grew up in Manila and haven't been away from it, it makes me so sad that I've never been in any festivals like this :-( Nevertheless, love the pictures!
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|