Ang lumang istasyon ng tren ng Guiguinto ay dating bahagi ng daang bakal na Ferrocaril Manila-Dagupan na naitayo noong panahon ng mga Kastila. Ang daang bakal na ito ang nagsilbing paraan upang padaliin ang kalakaran sa mga bayan na nasasakupan ng daang bakal na ito. Sa lalawigan ng Bulacan isa ang lumang istasyon ng Guiguinto sa mga natitirang limang lumang istasyon ng tren sa lalawigan.
Kung maikukumpara sa mga natirang lumang istasyon ng tren ng Bulacan, ang lumang istasyon ng Guiguinto ay maituturing ruins. Ngunit na kahit ganunpaman, natatangi ang ganda ng istasyon ng tren ng Guiguinto na iba sa mga lumang istasyon ng tren sa lalawigan. Kahit na karamihan sa haligi ng istasyon ay tuluyan ng nawasak, ang natitirang bahagi ng istasyon ay may natatanging halina sapagkat dito nababakas ang tagal ng panahon na nagdaan na siyang nag-ambag sa kasalukuyan nitong kalagayan. Ayon sa mga kuwento, ang lumang istasyon na ito ay may taglay na mahalagang kasaysayan. Isang kasaysayan na kung saan may mga katipunerong sinugod ang isang tren papuntang Dagupan. Isang labanan na nagresulta sa pagkamatay ng anim na Kastilang prayle. Kabilang na rito ang Kastilang prayle na si Padre Leocadio Sanchez. Ang naganap na pagtambang sa istasyon ay maaaring maituring na isang kabayanihan at kilusan na naglalayon upang pabagsakin ang pamumuno ng Kastila at tuluyang makamit ang kasarinlan. Ang mga kaganapan na nangyari sa lumang istasyon na ito ay maituturing mahalaga. Maituturing na kasaysayan na dapat pahalagahan ng bayan. Sa pagpapahalaga ng kasaysayan at kasabay ang pagpapahalaga at pangangalaga sa mga pamanang yaman ng nakalipas. Isa sa mga pamanang yaman na ito ay ang lumang istasyon ng tren na Guiguinto. Batid naman ng lokal na pamahalaan at maraming mga tao ang taglay na kasaysayan ng lumang istasyon, ngunit kung ating susuriin ang kasalukuyang kalagayan ng lumang istasyon ng tren, kailangan ng pagsisikap upang mapangalagaan ang yamang pamana na ito. Upang makarating sa lumang istasyon ng tren ng Guiguinto, magpunta lamang sa Brgy. Poblacion. Malapit sa pamilihang bayan ng Guiguinto tuntunin ang Krus St. pasilangan. Makikita ang lumang istasyon sa inyong kaliwa.
joseph ryan averilla
3/6/2017 04:06:14 pm
sa mga litratong ito, sumasalamin ang ating pagka pilipino at kung paano bumagsak ang ating ekonomiya sa nakalipas .
Reply
12/25/2022 05:47:16 pm
is there any other information related to this article if any please let me know
Reply
1/14/2023 10:44:36 am
Good article, thanks for sharing, please visit
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|