Daang Bakal: Ang Pagbakas Sa Mga Natitirang Bahagi ng Ferrocarril de Manila-Dagupan sa Bulacan4/9/2016 Ang tren ay mahalaga sa pagtataguyod ng bansa. Mas napapabilis ang paghahatid ng mga kalakal at serbisyo sa mga malalayong lugar. Napapayabong nito ang kalakaran at nakakagawa ng mga kabuhayan para sa mga tao. Ang pagyabong ng kalakaran at kabuhayan ay nagiging sanhi ng paglakas ng ekonomiya. Masasabi na isang tanda na ang lugar ay industriyalisado, kung ang tren ay isa sa mga nagsisilbing tranportasyon. Sa Pilipinas, ang Ferrocarril de Manila-Dagupan ang nagsilbing isa sa mga pangunahing transportasyon sa Luzon noong panahon ng mga Kastila. Nagsimulang patakbuhin ang daang bakal noong taong 1892. Mula Maynila babagtasin nito ang mga probinsiya ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Pangasinan. Kaakibat ng transportasyon na ito ay ang mga istasyon sa bawat bayan na madadaanan nito. Noong nakaraan, aking binakas ang mga natitirang istasyon sa probinsiya ng Bulacan. Marami pa sa mga istasyon ay nanatili, ngunit ilan dito ay tuluyan ng nawala upang magbigay daan sa pagpapatayo ng ibang istruktura. Bukod sa mga istasyon ng mga tren, isinama na rin ang ibang bahagi ng Ferrocarril de Manila sa Bulacan. MeycauayanSa Brgy. Malhacan sa Meycauayan, makikita na halos buo pa ang istasyon ngunit kapansin-pansin na nasa marupok na itong kalagayan. Kung ito ay pagmamasdan sa unang pagkakataon, tila ito ay isang bahay na bato. Lingid sa kaalaman ng iilan, ito ay dating istasyon ng tren. Sadyang nakadisenyo ang mga istasyon na parang bahay sapagkat ito ay nagsilbing pansamantalang tahanan ng mga station masters pati na rin ng mga pasahero na nag-aabang. Noong tuluyan ng ipatigil ang operasyon ng tren, ang istasyon na ito ay nagsilbing tahanan sa mga iilang pamilya hanggat ito ay naging isang istruktura na nananatili pa ring matatag sa kinatatayuan nito. Upang makita ang mas maraming larawan ng istasyon na ito. Pindutin ang link na ito: http://kenyotravel.weebly.com/blog/the-meycauayan-old-train-station Marilao
Sa Ebio’s Railway, ang bakanteng lote pagkatapos ng lumang tulay, aking napansin ang mga nakaimpok na mga bakal na riles. Masasabi na ito ay matagal ng nakalagak dito. Kinakalawang na at tinutubuan ng mga halaman. Gayunpaman, may kamanghaan na naramdaman nang pinagmasdan ko ang mga bakal na niluma na ng panahon. Bocaue
BalagtasGuiguintoPagkatapos ay nagtungo sa bayan ng Guiguinto. Bumaba ako sa may palengke at nilakad ang kanto hanggang sa napansin ko ang lumang istasyon. Tulad ng ibang istasyon ito ay yari sa pulang tisa. Malaking bahagi nito ay tuluyan ng sira ngunit nananatili pa rin ang tikas nito. Para sa akin ang pagkawasak ng malaking bahagi ng istasyon ang siyang lalong nagpaganda rito. Ang mga biyak at tibag na bahagi ang nagsisilbing marka ng mahabang panahon at ng tatag nito. Ngunit nakakapanghinayang pa rin kung iisipin na ito ay dating isang buong istasyon. Sa kabila nito, masasabi na mapalad na rin na may nananatili pang bahagi ang lumang istasyon ng Guiguinto. Malolos
Calumpit
Matagumpay na naibakas ang daang bakal sa lalawigan ng Bulacan. Masaya sapagkat nakita ko ang mga lumang istasyon at nakita ang mga bahagi ng daang bakal. Ngunit sa kabila nito, batid ko na may posibilidad na maari ng tuluyang mawala ang iilang istasyon hindi lang sa Bulacan, pati na rin sa ibang propbinsiya na saklaw ng daang bakal, kung hindi kaagad mabibigyang pansin ng lokal na pamahalaan at iba pang mga sangay na may kinalaman rito. Marami sa mga istasyon ay tuluyan ng nawala habang karamihan naman rito ay nasa marupok ng kalagayan. Ang ibang istasyon naman ay kasalukuyang nasa ilalim ng negosasyon upang mailipat ang pag-aari nito sa lokal na pamahalaan at opisyal na mailunsad bilang isang makasaysayang pook.
Ang mga lumang istasyon na ito ang nagsisilbing mga piping saksi ng ilang mga makasaysayang pangyayari sa ating bansa. Isang malaking kasayangan kung ito ay hindi mabibigyang halaga. 4/17/2016 07:59:59 am
Hello Kenyo
Reply
4/17/2016 08:57:08 am
Magandang araw Ginoong Marco!
Reply
Marco de PH
4/17/2016 09:16:32 am
Dahil sa blog mo ay nagkaroon ako ng interes na bisitahin ang kahit isa o dalawa sa mga istasyon na ito. Kasalukiyan ko kasi sinusulat ang entry ko sa lalawigan ng Bulakan, Pampanga, at Nueva Ecija. 4/17/2016 09:39:04 am
Magandang suhestiyon Ginoong Marco! Sabihan mo lang ako kung sakali. Anong mga istasyon ang ibig niyong puntahan?
Reply
Marco de PH
4/17/2016 09:52:23 am
Nadaanan ko lang ang Kakarong de Sili, pero hindi ako bumaba.
marla muedan
7/19/2016 01:00:59 pm
nakakawili po basahin ang blog mo. ng uumpisa po akong libutin ang bulacan. ang Malolos, Bocaue at Baliuag plang ang aking nrarating. Maganda ang ulat mo tungkol sa mga lumang istasyon ng tren. Isasam akpo ang lhat ng iyan sa paglilibot
Reply
7/26/2016 09:21:57 am
Maganda araw po. Salamat po at nabigyang pansin ninyo ang artikulo ukol sa daang bakal. Nawa'y magkaroon kayo ng magandang karanasan sa mga gagawin ninyong paglalakaby sa iba't ibang bayan sa lalawigan. Kung inyong nanaisin, maaari ko kayong samahan sa mga bayan na inyong pupuntahan. Mabuhay!
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|