Ang ikalawang araw ng pista ay nakalaan sa patrong santo na si Sta. Clara ng Assisi . Sa araw na ito sumasayaw ang mag-asawa na may kahilingang biyayaan ng anak na babae, ngunit hindi lamang limitado dito sapagkat may mga nakikisayaw rin na may iba pang personal na kahilingan. Araw ng Lunes, maraming mga taong nakatipon sa bayan ng Obando. Nang ako ay makarating, kasalukuyang ginaganap ang misa habang ang mga banda at mananayaw ay nasa labas, naghahanda at ang mga taong nag-aabang sa magiging kaganapan. Nagsisayaw ng pandango ang mga tao sa saliw ng Santa Clara Pinong Pino. Isa sa mga kapansin-pansin na tagpo sa kaganapang ito ay ang mga bandang gumagamit ng instrumentong yari sa kawayan. Ang mga kawayang instrumento na ito ay naglalabas ng nakaka-aliw na tunog. Sumasabay ang awit sa aking utak sa tuwing naririnig ko ang saliw ng mga instrumento: ♪~Santa Clarang pinong pino, Ako po ay bigyan mo, ng asawang labintatlo, sa gastos walang reklamo~♪. Tinahak ng mga mananayaw ang kahabaan ng mga kalye. Masaya at nakakaalliw ang mga sandaling aking nasaksihan. Kahit na tirik ang araw sa umaga, hindi nagpagapi ang mga tao na makisaya, makisayaw, at makisali sa taunang tradisyon ng Kasilonawan. Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|