Isang araw sa bayan ng Norzagaray, kami ay nagtungo sa punduhan ng mga Dumagat. Isang araw sa piling ng mga Dumagat, kanilang naibahagi ng pahapyaw ang kanilang pamumuhay at natatanging kultura na nilinang ng kanilang lugar at tahanan- ang kabundukan.
Isa sa mga tinatampok sa punduhan ay ang Bato sa Bitbit o mas kilala bilang Monte Cristo. Ito ay pinaloloban ng mga kuweba at iba’t ibang lagusan na kung saan makikita ang mga natatanging rock formations. Nabanggit ni Bro. Martin na ito ay madalas salakayin ng mga illegal treasure hunters dahil sa mga sabi sabi na maraming nakapaloob na kayamanan sa nasabing rock formation. Dahil dito, maraming bahagi ng mga kuweba ang natibag. Ilan sa mga lagusan nito ay delikado ng pasukin bunsod ng pagkasira ng mga batong nasira na sumusuporta sa cave system ng Bitbit na Bato. Para sa mga Agta, ang lugar na ito ay sagrado dahil pinamamahayan ito ng mga espirito o "Sabkal". Sa kasalukuyan ang Monte Cristo ay pinaunlad upang gawin isang pilgrimage site at panatilihin ang taglay natitirang yaman ng Monte Cristo.
Matapos ang paglilibot sa mga kuweba at pag-akyat sa tuktok ng Monte Cristo, kami ay nananghalian na. Kasama sa mga nakahain ang inihaw na tilapia sa loob ng kawayan, sinabow (sinabawang manok), sawsawang kamatis at sinagumpit (dinikdik na siling labuyo).
Matapos ang ilang sandali ng kuwentuhan, ang aming grupo ay pinasalamatan ang komunidad at si Bro. Martin para sa kanilang mainit na pagtanggap sa punduhan. Isa mga aking natanto ang kahalagahan social role na ginagampanan ng mga Agta sa kabundukan ng Sierra Madre, sapagkat sila ang isa sa mga nagsisilbing protektor ng kalikasan.
bro Martin Francisco, bsmp
8/25/2016 09:48:00 am
Salamat ng marami sa inyo. God bless you for helping the Dumagat IPs.
Reply
Prima jarder
12/9/2016 06:40:39 pm
Hello po..
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|