Ang Pistang Bayan ng Pulilan ay iginaganap para sa pagpaparangal sa patrong santo na si San Isidro. Tuwing ika 14 at 15 ng Mayo, ginaganap ang kapistahan. Isa sa mga katangi-tangi sa kapistahang ito ay ang parada ng mga kalabaw at ang pagpapaluhod sa kanila sa harap ng simbahan. Sa araw na ito, kasama ko ang aking mga kaibigan na sina Bern at Celsus. Nakarating kami sa Pulilan nang katanghaliang-tapat. Sarado ang daan para sa mga sasakayan papuntang kabayanan, kaya ito ay nilakad naming. Sa kahabaan ng daan, ramdam na kaagad ang init at pagod. Kasabay sa aming paglalakad ang mga iba pang dumarayo upang masaksihan ang parada na gaganapin. Matapos ang ilang sandal ng paghihintay, nag-umpisa na ang parada na pinangunahan ng mga musiko. Agad nakita ang mga kalabaw na may mga palamuti sa kanilang ulo habang ang iba naman ay may pintura sa katawan o kaya’y langis sa katawan upang kumintab ang kanilang balat. Kasama sa parada ang mga magagarang karwahe na hila ng mga kalabaw. Bawat kalabaw na may hilang karwahe ang nagsisilbing kinatawan ng bawat barangay ng Pulilan habang ang ibang kalabaw naman ay kumakatawan sa mga organisasyon, samahan, o negosyo sa Pulilan. Matapos iparada ang mga kalabaw na kumakatawan sa mga barangay at mga organisasyon ay ipinarada ang mga iba pang kalabaw. Karamihan sa mga nagmamay-ari ng mga kalabaw ay galling pa sa mga ibang bayan. Karamihan din sa kanila ay namamanata at taunang dumarayo sa bayan ng Pulilan upang mabasbasan sila at ang kanilang mga alagang kalabaw upang gantimpalaan ng masaganang ani. Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|