Matapos ang misa ay ginanap ang Salinan ng Krus. Dito nagaganap ang pagpapasa ng krus sa kamag-anak o kaya sa kalapit na kaibigan upang magsilbing bagong tigapangalaga ng krus na naisalin sa loob ng isang taon na siyang ipapasa ulit sa mga susunod na tigapangalaga ng krus. Matapos ang salinan ay ginaganap ang prusisyon. Makikita ang mga munting bata na nasa magarang pananamit. Sila ang magdadala ng naipasang krus at ito ay ipaparada sa kabayanan ng Marilao.
*Nais kong pasalamatan si Ginoong Robby Dela Vega, isang guro ng Filipino at lokal na historyador sa lungsod ng Meycauayan. Ang kanyang mga naibahaging kaalaman ukol sa kapistahan ay nagsilbing malaking tulong upang maisulat ang artikulo na ito.
Sanggunian: Dela Vega, R. (2013). Pista ng Bisitang Matanda ng Marilao. Chronicles of a Teacher, Thoughts of a Frustrated Local Historian. Nakuha mula sa : http://chroniclesandfrustrations.blogspot.com/2013/04/pista-ng-bisitang-matanda-ng-marilao.html Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|