Nag-umpisa agad ang sayaw matapos ang misa. Agad na maririnig ang Awiting Bayan ng Obando habang ang mga mananayaw ay nakalinya na at nakahanda sa isa na namang indakan sa kalye.
Matapos ang kaganapan, ang pari ay nagsagawa ng pagbabasbas sa mga mag-asawa na humihiling na magkaroon ng supling habang ang iba ay naanyayahan na makita ang orihinal na tela na naggaling mismo sa Birhen sa Salambao na kanyang suot noong siya ay natagpuan. Ang mga deboto at ang mga bisita ay may paanyaya upang makita at mahalikan ito. Isang healing mass ang naisagawa noong tanghaling iyon.
Matapos ang misa saka ginanap ang huling sayaw. Muli pimatugtog ang Awiting Bayan. Tulad ng mga nakaraang sayawan, buhay pa rin at bakas ang saya sa mga taong dumalo at nakisayaw. Pagkabalik sa simbahan, kami ay sinalubong ng pagsindi ng fireworks na siyang nagmamarka sa nalalapit na pagtatapos ng kapistahan. Muli, nagdiwang ang mga tao at sumayaw sa saliw ng Awiting Bayan. Pagod man ang mga tao, tila muli nagbalik ang kanilang lakas habang sila ay sumasabay sa saliw ng musika. Kamanghaa-mangha.... Ang mga dasal at mga kahilingan ay naipahayag hindi sa salita...kundi sa pag-indak. The celebration ended with a massive applause from the people. The feeling of being blessed and full of hope filled the entire church. Ang selebrasyon ay nagtapos sa masigabong palakpakan ng mga tao. Ramdam sa simbahan ang pakiramdam ng pagpapala at pag-asa. Ang kabuuang tema sa kapistahan na ito ay hindi lamang nakasentro sa mag-asawang dumarayo upang pagpalain ng supling kundi pati na rin sa pag-aalaga sa kalikasan. Naihayag ang petisyon na ipatigil ang landfill sa pamamagitan ng pagdarasal at opisyal na petisyon na tuluyang ipatigil ito. Sa ngayon, nakasalalay sa mga mababatas kung ito ba ay ma-aaprubahan o hindi. Aking dasal na sana'y ang maging desisyon ay para sa ikabubuti ng mga residente ng Obando. Sa susunod na kapistahan
Mabuhay ang mga Obandenyo~! Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|