Ang araw ng ika-23 ng Hunyo ang bisperas ng kapanganakan ni San Juan Bautista. Sa araw na ito ay ginaganap ang Libad Festival. Ang nasabing kapistahan Si San Juan Bautista ang nagsisilbing patrong santo ng bayan ng Calumpit. Ang bayan ng Calumpit ay may taglay na mahalagang kasaysayan sapagkat ito ang unang bayan sa Bulacan na tanggapin ang paniniwalang Kristiyanismo. Isa sa paraan ng pag-gunita sa kasaysayan na ito ay ang Pista ng Libad.
Kasama sa kaganapan ang pagtahak sa kailugan ng Angat at bahagi ng Pampanga upang madaanan ang mga bayan ng Plaridel, Pulilan, Hagonoy at Apalit. Sa pagdalo sa selebrasyon na ito, iyong asahan na ikaw ay mababasa. Babasain ka ng mga taong nagsipagdalo sa paradang tubig. Kung titignan natin ang ganitong tradisyon, ito ay sumasalamin sa pagbinyag na ginamapanan ni San Juan Bautista kay Hesuskristo. Ang basaan na nagaganap ay maituturing na paraan ng pagsalaysay sa unang pagbinyag na naganap. Puno ng saya ang kaganapan. Karamihan sa mga bangkang kasapi sa paradang-ilog ay may mga mananayaw, inuman, musika,at kainan. May mga bangkang kumakatawan sa iba't ibang barangay ng Calumpit. Sa kaganapan din ito, aking nasaksihan ang natural na ganda ng tabing-ilog ng mga bayan ng Calumpit at Pulilan sapagkat puno pa ito ng mga punong-kahoy. Ngunit dahil sa paglago ng populasyon, may mga bahagi na wala nang punong-kahoy, bagkus mga bahay na nakakumpol at artipisyal na dike upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig na galing sa ilog. Bilang pangkalahatan, ang Pista ng Libad ay nagsisilbing isa sa mga pangunahing atraksyon sa bayan. Ito ay nagbibigay ng malawak na oportunidad upang masmapalaganap at mapaunlad ang turismo sa nasabing lugar. Bukod pa rito ang pistang ito ay isa sa mga bumubuo ng pagkakakilanlan ng bayan ng Calumpit at ng mga Kalumpitenyo. ng matinding kahalagahan at bigat na taglay na kasaysayan ng pistang ito ay tila mananatili pa rin sa susunod na mga henerasyon. Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|