Ilang araw bago sumapit ang Kapistahan ni St. Francis ng Assisi, ay ginaganap ang Lakbayan sa Lungsod ng Meycauayan. Isa itong natatanging pagganap na sumasalamin sa pagkakataguyod ng Kristiyanismo sa Meycauayan at ang paglilipat ng sentro ng parokya sa nasabing bayan. Ang lungsod ng Meycauayan ang isa sa mga pinakamatandang bayan sa lalawigan. Taong 1578 noong dumaong ang bangka ng mga prayle sa ilog malapit sa Sitio Toril na ngayon ay Brgy. Bahay Pare. Doon inilatag ang Krus at itinaguyod ang unang simbahan. Matapos ang ilang taon, inilipat ang simbahan sa Sitio Lagolo na ngayon ay bahagu ng Brgy. Malhacan hanggang sa ito ay nalipat sa Poblacion. Siyam na araw bago ang kapistahan, ginaganap ang Lakbayan, dito inilalakbay ang pinaniniwalaang orihinal na krus na nailatag sa bayan mula sa kinalalagyan nito sa Bahay Pare patungong Poblacion. Ito ang nasaksihan ko ngayong araw. Umaga ng ika-25 ng Septiyembre Patungo sa Poblacion, nang mapansin ang singkaban papasok sa kahabaan ng Gen. Pacheco st. patungong kabayanan. Ang singkaban ang nagsisilbing tanda na magkakaroon ng malaking kaganapan sa isang bayan, gayunpaman, ang Kapistahan ng Patrong Santo na si Francis ng Assisi. Nang matunton ang plaza, sakto lamang ang pagdating para sa pagbabaasbas at pagbubukas ng Meycauayan Food Bazaar na ginanap maghapon. Sa bazaar na ito itinampok ang mga pagkain at produktong Meykawenyo maski na rin ang produktong pagkain na angmula sa ibang bayan ng Bulacan. Kabilang sa mga itinampok na produkto ang Empanada Kaliskis ng pamilyang Legaspi sa Brgy. Zamora, Aling Tasing's Tamales ng Brgy. Pandayan, Francia's Special Puto ng Brgy. Saluysoy, at marami pang iba. Layunin ng nasabing Food Bazaar na maitampok ang produktong Meykawenyo at Bulakenyo na siyang makakatulong sa pag-unlad ng mga produktong Bulakenyo.
Emmanuel Riparip
7/4/2022 03:46:05 pm
Bakit walang mga lathalain na nagsasabi tungkol sa pagiging sitio lagolo hanggNg tawagin ito bilang Malhacan
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|