Sa araw na ito, ako ay nagtungo sa San Miguel Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maglakbay mag-isa ay sa kadahilanan na ang tanging responsibilidad ko lamang ay ang aking sarili. Ika-16 ng Abril nang unang beses akong makarating sa bayan ng San Miguel. Upang maging sulit ang araw, napagdesisyunan ko na umakyat ng bundok, pumasok sa loob ng kweba, at kung ano man ang ihandog na karanasan sa akin ng kapalaran ngayong araw. At oo, ako ay nasasabik. Kahit na ako ay naturang tiga-Bulacan, hindi ako masyadong nagagawi sa malalayong bayan ng Bulacan sapagkat mas malapit ang aking bayan sa kalakhang Maynila. Mula Meycauayan, sumakay ako sa jeep patungong Malolos. Ako ay bumaba sa Tabang Exit at sumakay ulit ng jeep patungong Santa Rita. Mula Santa Rita, ako ay nag-abang ng bus patungong Cabanatuan dahil ito ay dadaan sa bayan ng San Miguel. Dahil unang beses ko itong biyahe patungong San Miguel, pinakiusapan ko ang kondukto na ibaba ako sa Kamias. Nang makarating sa Brgy. Kamias, ako ay sumakay ng tricycle patungong Sitio Madlum. Nagtagal nang kalahating oras ang biyahe lulan ng tricycle. Sa pagpasada maraming mga lumang bahay ang aking nakita sa mga dinaanang barangay. Mainit ang panahon at sa tuwing nabibilad sa araw tila ang init ay tumutusok sa aking mga balat. Kahit na ganunpaman, hindi ito nakapigil sa akin na ipagpatuloy ang layunin na maakyat ang pinakaunang bundok na aking mararating. Bago lakarin ang trail patungong Bundok Manalmon, kami ay nagtungo muna sa Kuweba ng Madlum. Sa pagpasok sa nasabing kuweba, agad kong narinig matinis na sigaw ng mga paniki na naninirahan sa loob ng kuweba. Malamig sa loob ng kuweba. Isang panandaliang ginhawa sa kabila ng napakainit na panahon. Sa loob ng kuweba ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam ngunit alam ko sa sarili ko na ako ay ligtas. Aking pinagmamasdan ang mga pormasyon ng bato at ang isang maliit na poon. Ibinaggit sa akin ni Kuya Angelo na iyon ay isang replica ni San Miguel na natagpuan noong ika-18 na siglo. Sa baba ay makikita ang mga larawan ng mga dinaanan habang papunta at paakyat sa Bundok ng Manalmon Ayon kay kuya Angelo, may tatlong uri ng daanan na puwedeng pagpilian ng mga bisita ito ay ang mga antas ng: easy, middle, at assault. Sa aking kalagayan, aming tinunton ang middle level trail. Nabanggit din sa akin ni kuya Angelo na kapag ikaw ay masuwerte makakakita ka ng agila o lawin na lumilipad sa himpapawid o kaya mga musang at baboy ramo na pagala-gala sa kagubatan. Dahil sa unang beses ko umakyat ng bundok, madali akong napapagod kaya kinakailangan na magpahinga maya't maya. Aking tiniyaga ang pag-akyat hanggang sa marating ang tuktok ng bundok. Nang marating ang taluktok ng bundok, biglang nanumbalik ang aking sigla.. Ramdam ko sa aking sarili na ako ay buhay.
Ilang minuto pa nang pagpapahinga agad na naming tinunton ang batong burol patungong kuweba ng Bayukbok. Mas matarik at nakakapagod ang pag-akyat sa talibis patungong kuweba. Kung ikaw ay hindi maingat, maaari kang malaglag sa mabatong burol. Nang makapasok sa loob ng kuweba, agad tumambad sa amin ang isang maliit na ahas. Isang mahusay na pagbati na siyang aking talagang ikinagulat ngunit hindi ito nakapagili sa akin na magpatuloy. Sa ibaba ay inyong makikita ang mga larawan na aking kinuha sa loob ng kuweba. Sa loob ng kuweba ay itinatampok ang mga lagusan na tinatawag na music room, na kung saan kapag itinambol ang mga stalactites,iba't ibang uri ng tunog ang ipinamamalas. Puwede kang gumawa ng sarili mong ritmo sa pagtambol sa mga stalactites. Isa rin sa mga tampok sa kuweba ang malabuwis buhay na pagtalon mula taas gamit ang lubid na gagabay sa iyo paibaba. Sa huli, kailangan mong makalusot sa maliit na labasan upang makalabas ka sa kuweba. Nakakapagod ngunit masaya ang naging karanasan sa pagsiyasat at paglakbay sa kuweba. Matapos ay naligo ako sa Ilog Madlum. Isa sa mga natutunan ko kay kuya Angelo kung ano ang ginagawa ng komunidad upang ito ay maging sustainable. Ang bayad na nakukuha ng lakbay-gabay ay mapupunta sa kanya ngunit ang maliit na porsiyento nito ay napupunta sa samahan ng mga lokal na lakbay-gabay upang magsilbing kooperatiba sa kanilang komunidad. Ang pondo na nalilikom ang magsisilbing pantulong kung sakali man na mayroong kasapi na kailangan mangutang o mangailangan man ng tulong. Bukod pa rito, ang mga residente ay kumuha ng kanilang pagkain sa kanilang mismong kapaligiran. Ang ilog ay puwedeng paghulihan ng isda at ang lupa ay tinatamnan ng palay at mga gulay. Ang tubig na kanilang inumin ay nanggagaling sa pinakamalapit na bukal. "Kahit na mababa kinikita mo, buhay ka dito, may ipon ka pa dahil kaunti lang ang gastos mo. Hindi tulad sa Maynila, malaki man ang kinikita, bawat kilos mo may bayad...", ani ni kuya Angelo. Matapos lumangoy sa ilog, ako ay naghanda na upang makauwi. Nais ko sanang magtagal ngunit mahirap maghanap ng masasakyan pauwi kaya kinailangan kong agahan ang pag-alis. Mabigat ang daloy ng trapiko pabalik. Mahigit dalawang oras ang aking inabot upang marating ang Tabang, Guiguinto. Masasabi ko na ang araw na ito ay naigugol para sa mabuti at maganda nang makita ko ang magagandang ulap sa papalubog na araw habang aking inaantay ang jeep patungong Meycauayan. How to go to Sitio Madlum? From Meycauayan: -Take the jeep going to Malolos. Tell the driver to take you off at Tabang. -From Tabang, ride the jeep going to Sta. Rita exit. -From Sta. Rita, wait for the bus going to Cabanatuan. -Tell the bus conductor to take you off at Brgy. Camias, San Miguel -From Brgy. Camias, ride a tricycle and tell the driver to take you off at Sitio Madlum. From there you will see a hanging bridge, cross it and you will see a lot of signage (pics of signage were shown earlier in this blog post). From Metro Manila: -Cubao Bus Terminal: Take the bus going to Cabanatuan and tell the driver to take you off at Brgy. Camias, San Miguel Bulacan. -From Brgy. Camias, ride a tricycle and tell the driver to take you off at Sitio Madlum. From there you will see a hanging bridge, cross it and you will see a lot of signage (pics of signage were shown earlier in this blog post). My Expenses: *Coming from Meycauayan -Transportation (back and forth): 600php- -Registration fee: 5php -Guide fee for Mt. Manalmon: 300php -Guide fee for Bayukbok Caves: 200php -Rental of Head Lamp: 30php -Restroom Usage (wash up and pee): 15php Total: 1,135php *Note: You would like to climb Mt. Gola as well, add 300php in case. *Much better if you are in group of five. Expenses will be a lot cheaper :) If I had a companion my expenses would likely be 700php+ Advice: -Follow the advice and reminders of your local guide. -Water. Drinking water is essential. Might as well bring packed lunch to cut cost. -Please follow the rules and regulation of Sitio Madlum -Be responsible for your own trash. Always remember that we are just visitors in the place, therefore, we must respect the place by maintaining the cleanliness. -Contribute to the maintaining the beauty of Sitio Madlum by picking trash while hiking and caving. I did this personally by having a big plastic bag and picking trash along the way. -Do not take anything what belongs to the mountains, caves, and river. (stones, flowers, plants, etc.) 4/20/2015 12:54:17 pm
Hi Honey! And thank you for your lovely comment :)
Reply
Travelling alone, takes me back to college on the days I'd choose to slack off and just wander somewhere instead of going to class. I'd head straight to Buendia where a ton of buses south-bound were parked, waiting for passengers. I'd ride the first bus that looked clean and not crowded yet so I could pick a window seat haha. Haven't been to San Miguel, Bulacan yet, maybe it's high time I went. Thanks for the beautiful shots of the place. :)
Reply
4/21/2015 02:36:46 pm
Dear Anne,
Reply
Sean
7/1/2015 04:49:28 pm
Very informative! I also want to go to my. Manalmon but my friends are not into it. Thanks to you coz now I know I can do it on my own. Anyway, isn't hard to climb wearing sneakers? If ever, this is my first time to climb...can you give me tips on what wear and bring like extra shirt,etc. I also plan to go there on my motorcycle coming from guiguinto. You think it would be better to commute since you said it can be tiring?
Reply
11/17/2015 09:46:12 am
Hi Sean, my apologies for the late comment. For some reason I happen to look into the spam comments and I saw many comments I haven't seen before. Wearing sneakers is totally cool when climbing Manalmon after all it is a relatively easy climb. It has been 4 months already..have you already visited?
Reply
Christian
7/13/2015 02:29:16 am
Hi Sir,
Reply
7/13/2015 07:52:45 am
Hi Christian! You do not need any permit in order to climb though a waiver must be signed before climbing. At isa pa, required po ang local guides, you will be introduced to your guide upon reaching the place :)
Reply
Edz Pi
4/5/2017 08:46:33 am
Hi KenyoTravel, kung manggagaling ng San Jose del Monte, sa Meycauayan din ang daan? Thank you.
Reply
4/5/2017 05:22:16 pm
Isang magandang araw po sa inyo Edz. Hindi pa po ako masyadong maalam sa padaanan sa gawing iyan ng Bulacan ngunit sa aking pagkakaalam, maaaring tuntunin ang daan pa Santa Maria hanggang Bocaue, ikaw ba ay gagamit ng sariling sasakyan o maglalakbay gamit ang pampublikong sasakyan?
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|