Mahalaga na makilala ang sariling bayan dahil ito ang pugad ng iyong pagkakakilanlan. Isa sa mga tanging paraan upang ito ay maisakatuparan ay ang paglalakbay. March 26, 2017: Eksaktong isang taon na ang nakalipas nang malakbay ko ang lahat ng bayan sa lalawigan ng Bulacan. Saktong isang taon, sa araw na ito, ay nalakbay ko naman ang lahat ng barangay sa bayan ng Meycauayan. Aking pinuntahan ang dalawampu’t anim na barangay sa lungsod ng Meycauayan. Bilang tanda ng pagkakatapak ko sa bawat barangay, ay ang mga larawan ng mga pangunahing bisita at parokya sa mga barangay ng Meycauayan. Ang orihinal na plano ay umpisahan ang paglalakbay mula sa silangang bahagi papuntang kanlurang bahagi ng Meycauayan. Hinati-hati ang paglalakbay sa iba’t ibang araw base sa pansariling pag-grupo sa mga barangay. Noong umpisa, nilayon ko lamang na ma-dokumento ang bawat pangunahing bisita at parokya ng mga barangay ngunit may mas malawak pa pala akong natutunan at napulutang aral sa aking lungsod. Inuna ang barangay ng Bahay-Pari dahil dito naitaguyod ang kauna-unahang parokya ng Meycauayan hanggang sa ito ay nalipat sa Malhacan at sa huli, ay naging permanenteng parokya sa Poblacion. Kaya ang naging ruta ng paglalakbay ay mula silangan pakanluran ng lungsod Paunang tala: Maaaring magkaroon ng dalawang bisita o kaya ay isang bisita at parokya sa barangay. Sa artikulo na ito, ipinapakita lamang ang pangunahin at ang pinakamatandang bisita sa bawat barangay. Ang mga inunang barangay ay Bahay-Pari, Pajo, Camalig, Perez at Bagbaguin. Ruta: Bahay Pari -> Pajo -> Camalig -> Perez -> Bagbaguin (Lulan ng bisikleta.)
Bahay PariPajoCamaligPerezBagbaguin
Ruta: Libtong -> Langka Ruta: Iba-> Pantoc (daanang tagos sa Lambakin at Lias, Marilao)-> Pandayan-> Malhacan Lulan ng bisikleta LibtongLangka IbaPantocPandayanMalhacanTala: Mas may lumang simbahan na malapit sa Parokya ng San Isidro-San Roque, ang tinatawag na “Simabahang Bato” o “Simbahan sa Lagolo”, ito ang isa sa pinakamatandang simbahan sa buong lalawigan. Sa kasalukuyan, ang tanging gamit nito ay pang seremonya sa tuwing sasapit ang Lakbayan sa Meycauayan, ang Krus sa Sitio Toril ay itinatanghal panandali sa lumang simbahan bilang pananda ng paglipat ng parokya mula Bahay-Pari patungong Malhacan.
LawaCainginTugatogBangaBancalBayugoLongos
Ang mga pagsubok na ikinahaharap ng mga barangay na ito ay ang kalimitang pagbaha sa tuwing high tide at sa tuwing umuulan. Imbis na sa pag-sasaayos ng drainage system, ang kadalasang paraan para maiwasan ang pagbaha ay ang pagpapataas ng daan, na nagdudulot ng hindi magandang epekto para sa mga mas mababang lugar. Ruta: Saluysoy-> Calvario-> Poblacion -> Zamora-> St. Francis Gasak-> Hulo Lulan ng bisikleta SaluysoyCalvarioPoblacionZamoraSt. Francis GasakHuloAng mga huling napuntahan ay ang dalawang natatanging islang-barangay sa lungsod, ang mga barangay ng Liputan at Ubihan. Ruta: Liputan -> Ubihan Lulan ng bisikleta hanggang Wawang Pulo, Valenzuela. Mula Wawang Pulo, nag-bangka patungong Liputan. Nagbangka pabalik ng Wawang Pulo at binisikleta patungong Tawiran, Obando hanggang marating ang Sitio Apuga ng Ubihan, dito nag-bangka patungong Sitio Asana at biniskleta ang pilapil hanggang marating ang Ubihan Centro.
LiputanAng pinakahuling barangay ay ang Ubihan. Hindi tulad sa ibang barangay na nalalapit sa ilog, mas malinis ang tubig na umaanod dito. Kulay kayumangging berde ang kulay ng ilog na umaanod sa buong baryo at maaari pang paliguan ang ilang bahagi nito. Walang malaking padaan sa barangay na ito kundi ang mga pilapil na nalalakaran mula sa isang sitio patungo sa mga sumusunod na sitio. Kung ikukumpara sa lahat ng mga barangay ng lungsod, ang baryo ng Ubihan ang magbabatid sa iyo na may probinsiyang bahagi pa ang Meycauayan. Kapitbahay ng barangay na ito ang mga bayan ng Obando, Marilao, at Bulakan. May kahirapan itong puntahan sapagkat kailangan mo itong bangkain, ngunit gayunpaman, payapa ang pamumuhay rito. Halos magkakakilala ang mga naninirahan dito at alam ng mga residente kung hindi ka tiga-roon. Isa rin sa mga napansin ko ang maraming lumang-bahay na maituturing na heritage structures dahil sa disenyo at kalumaan nito.
UbihanMatagumpay kong nabagtas ang kabuuan ng Lungsod ng Meycauayan lulan ng bisikleta at bangka. Masasabi ko sa aking sarili na mas nakilala ko ang aking bayan, bukod sa mga padaan at anyong lupa sa kalakhang Meycauayan, mga yamang pamana tulad ng mga lumang bahay, lumang arko at marker; mas napayaman ang aking paglalakbay dahil sa mga taong aking nakasalamuha mula Bahay-Pari hanggang Ubihan.
Ang mga bisita na aking napuntahan ay maaaring nagdaan na sa ilang malaking pagbabago bunsod ng daloy ng panahon at patuloy na pagsasaayos. Gayunpaman, ang mga bisita o kapilya na ito ang nagsisilbi bilang isa sa mga pangunahing istruktura sa mga barangay. Napagtanto ko rin ang malaking kaibhan ng Meycauayan noong ako ay unang namulat at ang kondisyon ng bayan sa kasalukuyan. Patuloy na nagbabago ang Meycauayan at hindi naman talaga masama ang pagbabago, hanggat ang pagbabago na ito ay para sa ikabubuti ng mga Meykawenyo. Huling tala: Nais kong pasalamatan ang aking mga kaibigan na sina Geanne San Gabriel at Ma’am Liezel Deato at ang kanilang mga buong pamilya, si Kagawad Andaya ng Brgy. Liputan, ang lahat ng aking mga kaibigan na aksidente kong nakatagpo sa pagbagtas sa maraming barangay sa lungsod, at ang lahat ng mga tao na aking nakasalamuha sa paglalakbay na ito. Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|