Ang kauna-unahang Tanglawan Festival ay inilunsad ngayong taong 2016 upang magbigay pugay sa ika-16 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng San Jose del Monte. Sa pangunguna ng pamunuang kawani ng Pamahalaang Lungsod, ang Tanglawan Festival ay isang naging posibilidad upang mabigyang pansin ang iba’t ibang sektor ng lungsod at itampok ang anibersaryo ng pagiging lungsod ng SJDM.
Mapalad na makadalo sa isang press conference na dinaluhan ng mga media upang magsagawa ng diskusyon ukol sa Tanglawan. Ayon sa mga impormasyon na naibahagi, layunin ng pamahalaang lungsod na gawing isang destinasyon pangturismo ang lungsod. Ika nga ni Kgg. Robes, “A relocation to a destination”. Isa sa mga magiging pinakabahagi ng layunin ang paglulunsad ng magiging taunang Tanglawan Festival. Isa rin sa mga plano ang pagsasaayos ng mga daan patunong mga destinasyon tulad ng Grotto of Saint Lourdes, isang sikat na pilgrim site sa lungsod. Muling naibanggit ni Kgg. Robes na isa sa mga pinakapatungkol ng Tanglawan ay ang maayos na pailaw at komunikasyon sa mga malalayong barangay at sitio ng SJDM. Matapos ang press conference, ako ay nagtungo muli sa trade fair upang makita ang mga nakatampok na produkto. Matapos ang ilang sandali ako ay umuwi ngunit babalik pa sa mga susunod na araw upang masaksihan ang mga iba pang mga programa na nakalinya sa Tanglawan Festival. September 10, 2016: Ang araw na kung saan ginanap ang anibersaryo ng pagsasalungsod ng SJDM. Isang banal na misa ang dinaos bago isinagawa ang prusisyon para kay San Jose. Ginanap ang culminating activity sa Savano Park. Kasama sa mga naging programa ang pagsasagawa ng MOU sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at ng Meralco upang magtulungan sa pag-papailaw ng buong siyudad, lalo na sa mga liblib na barangay at sitio. Bukod pa rito ay ang ilang cultural performances na naihandog ng mga kabataan sa mga manunuod at ang pagkilala sa mga San Josenyo na kasali sa Dangal ng Lipi. 7/3/2023 06:16:52 am
En iyi bilecik ilan sitesi burada. https://bilecik.escorthun.com/
Reply
Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|