Isang popular na destinasyon ang kuweba ng Pinagrealan sa bayan ng Norzagaray. Bukod sa ganda ng kuweba, ang kasaysayan na tigib sa lugar na ito ang siyang nagbigay ng mabigat na dahilan kung bakit ito ay itinuring na napakahalagang lugar hindi lamang para sa mga Garayenyo o Bulakenyo, kundi pati na rin sa mga Pilipino.
Kami ay nagpatuloy sa paglalakad. May kaunting ingat sapagkat may mga mabababang bahagi ng kuweba na maaari naming ikauntog. Isa sa mga nakakatuwang bahagi ng kuweba ay ang “aircon”. Itinuro ng aming gabay ang isang butas at itapat ang aming mga paa doon. Agad naming naramdaman ang malamig na hangin na lumalabas dito na tila bang hangin na nanggagaling sa aircon. Nasabi rin sa amin ng aming gabay na sa tuwing sasapit ang malakas na ulan, may posibilidad na umapaw ang tubig sa halos dingding ng kuweba.
Kung didiretsuhin pa ang kahabaan ng kuweba, may bahagi na na lagpas tao na ang tubig at kailangan nang sisirin upang matunton ang labasan nito. Ang bahaging yun ay hindi na naming pinuntahan sapagkat limitado lamang ang aming oras nang araw na iyon. Nang kami ay nakalabas na sa kuweba, piangsaluhan ng aming grupo ang masarap na almusal at kami ay naghanda sa susunod naming destinasyon- Ang Punduhan ng mga Dumagat.
Kung sakali na interesado na sumama sa Heritage Tour ng Lakad Pamana, makipag-ugnayan lamang kay G. Gilbert Diño. Maaari siyang maabot sa pamamagitan ng:
*Pag-iwan ng mensahe sa kanyang mga Facebook account: Lakad Pamana- Tara Na, Pasyal Na. (https://web.facebook.com/lakadpamana/?ref=ts&fref=ts); San Miguel de Mayumo (https://web.facebook.com/MisterDlakadpamana?ref=ts&fref=ts) * Kanyang numero: +639778324006 Leave a Reply. |
kenyoTravelAng "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. Categories
All
Archives
September 2018
|