kenyoTravel
kenyoTravel
  • Blog
  • About
  • Contact
  • Blog
  • About
  • Contact

Ang Bahay Makabayan ng Marilao

5/4/2016

3 Comments

 
Picture
Ang Bahay Makabayan ay isang munting museo na pag-aari at nasa pangangalaga ni G. Jaime Salvador Corpuz.
Ito ay nagtatanghal ng koleksiyon ng mga aklat, gawang-sining, memorabilia, at iba pang mga kagamitang may kahalagahan sa kasaysayan, tradisyon, at kultura. 
Si G. Corpuz ay isang historyador, guro, at mananaliksik. Siya ay nagsilbi bilang unang director ng Center for Bulacan Studies sa Bulacan State University. Ang kanyang mga akda ay hinggil sa kasaysayan ng ilang bayan sa Bulacan.
Picture


​Umaga noon nang ako ay magtungo sa bayan ng Marilao. Hinanap ang Bahay Makabayan sa Barangay Saog. Nang mahanap na ang nasabing Bahay Makabayan, ako ay sinalubong ni G. Corpuz. 

Picture
Inakyat ang ikalawang palapag nang bahay at binuksan ang isang kahoy na pintuan. Sa pagbukas ng pintuan ay agad kong napansin ang mga nakatanghal na pintang larawan at ilang artepakto sa tanggapan ng kanyang tahanan. Kami ay nagtungo sa taas at pagbukas ng pintuan, agad kong nasilayan ang kamangha-manghang eksibit ng mga artepakto, aklat, gawang-sining at mga antigong kagamitan. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Naupo si G. Corpuz sa kanyang opisina, binigyan ako ng pagkakataon na ikutin, silayan, at hangaan ang nilalaman ng kanyang museo. Hindi mapigil ang pagkamangha sa bawat piraso ng kagamitan na aking makita.

Picture
Picture
Mga Gawang Sining ng mga Bulakenyong Pintor

Kabilang sa kanyang koleksiyon ang mga pintang larawan na obra ng mga Bulakenyong pintor. Karamihan dito ay iginuhit ng mga tanyag at kilalang mga pintor. 
Bukod sa mga pintang larawan, kasama sa koleksiyon ang mga artipakto na sumasalamin sa kultura at tradisyon, hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan, pati na rin sa buong Pilipinas. Sa bintana, agad kong napansin ang mga banderitas na may ukit na krus. Ang mga nasabing banderitas ay nakita noong nakaraang Pista sa Bisitang Matanda. 
Isa sa mga pinakita sa akin ni G. Corpuz ay ang nakabalangkas na obra ng yumaong si Nanay Luz Ocampo. Ito ay ang tinatawag na “pabalat”. Nakaukit sa pabalat ang mga pangalan ng bawat bayan ng Bulacan. Isa ito sa mga pinakatatanging sining at pinapahalagahang artipakto ni G. Corpuz.

Nakapukaw ng pansin sakin ang nakabalangkas na tisa. Nabanggit sa akin ni G. Corpuz na iyon ay ang orihinal na tisang bahagi ng lumang istasyon ng San Fernando, Pampanga bago ito sumailalim sa
restoration.
Kuhang Larawan sa Manila Carnical Fiesta noong Dekada 30'.
Kuhang Larawan sa Manila Carnical Fiesta noong Dekada 30'.
Lumang Larawan ng Istasyon ng Tutuban
Picture
Aklatan
Picture
Pinamamahayan din ng Bahay Makabayan ang isang aklatan na naglalaman ng mga mahalagang aklat ukol sa kasaysayan, kultura, tradisyon, dokumento, arkibos at iba pang mga kasulatan. Marami sa mga librong ito ay bihira nang matatagpuan sa mga bilihan ng libro at itinuturing ng isang museum piece dahil sa antigo na ito. 
Picture
Mga lumang aklat
Kasama sa mga antigong mga kagamitan ay ang mga poon na niluma at pinaganda ng panahon. Sadyang kahanga-hanga kung pagmamasdan ang mga ito. Niluma man ng panahon, ito ang naging pakinabang upang mas lalo itong pagandahin at bigyang halaga sa kasalukuyan.

Isa sa mga antigong poon ay ang  imahen ni St. Francis. Ayon kay G. Corpuz, ito ay kaniyang naisalba sa isang nasirang bahay. Ito ay kanyang inampon at ngayon, ito ay nakatanghal sa museo. 

Picture


​Kasama rin sa koleksiyon ang mga antigo at tradisyonal na laruan tulad ng sungka, laruang baril na yari sa kahoy, mga manika, at iba pa. 
Laruang baril na yari sa kahoy
Ipinakita rin sa akin ni G. Corpuz ang koleksiyon ng mga presidential at political memorabilia. Isa sa mga katangi-tanging dokumento na naipakita sa akin ay ang orihinal na sedula noong panahon ng mga Kastila. Kasama rin dito ang isang tansan na  kinakampanya si dating Pangulong Corazon Aquino bilang Presidente at Salvador Laurel bilang Bise-Presidente. Ang tansan na ito ay maituturing ng bihira dahil iilan na lamang ang mayroon nito.
Picture
Bote ng Softdrinks na dati at inaangkat sa bayan ng San Miguel
Kasama sa koleksiyon ang mga lumang bote ng softdrinks. Ilan dito ay ang mga bote ng Mactan Soft Drinks na ginawa at inangkat mula sa bayan ng San Miguel. Ang softdrinks na yaon ay sikat bago pa man nagdatingan ang mga softdrinks na kilala sa kasalukuyan.
Payo sa akin ni G. Corpuz, ngayon pa lang, mag-umpisa nang mangolekta. Wala man yang halaga sa kasalukuyan, iyan ay bahagi ng kasaysayan at mabibigyang halaga sa darating na panahon.

Matapos ang ilang sandali ng kuwentuhan at pakikinig sa mga istorya ni G. Corpuz, pinayuhan niya ako na ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa kasaysayan, pamana, at sariling bayan. Dahil wala nang iba pang magmamahal sa sariling bayan kundi tayo na ipinanganak at lumaki sa naturang bayan. Maraming mga kaisipan at kuro-kuro ang natutunan mula kay G. Corpuz.
​
 Ang bawat isang kagamitan sa Bahay Makabayan ay may ibinabahaging kuwento. Kulang ang kaunting oras upang lubos na malaman. Sinabi sa akin ni G. Corpuz na puwede akong bumalik kung kailan ko man gusto.
Picture
Ang Bahay Makabayan at matatagpuan sa Barangay Saog, Marilao. Upang makarating dito makipag-ugnayan lamang kay G. Corpuz. Siguraduhin na maagap ang gagawing pagpapaunlak  bago pumunta dito. 

Mag-iwan lamang ng mensahe sa pahinang ito: Bulacan Memorabilia 
Picture
Lubos kong pinasasalamatan si Ginoong Corpuz. Ang kanyang inilaang oras upang maibahagi ang Bahay Makabayan ay isang mahalagang karanasan upang mas lalong mapatindig ang pagmamahal sa pamana at kasaysayan. ​
3 Comments
Jam
5/5/2016 01:44:13 pm

I would definitely take a visit!

Reply
Cathrina
1/23/2017 12:32:48 pm

Hi! I would like to visit this place. How to? The page Bulacan Memorabilia does not exist anymore. Are there any ways I can contact Mr. Corpuz?
Thank you

Reply
kenyoTravel link
1/23/2017 12:44:01 pm

Hi Cathrina! Can you give me your email address? So that I can refer you to him.

Reply



Leave a Reply.

    kenyoTravel 

    Ang "kenyo" ay salitang hango sa Bulakenyo. Layunin ko na mas makilala ang aking lalawigan. 

    Categories

    All
    Angat
    Balagtas
    Baliuag
    Bocaue
    Bulakan
    Bustos
    Calumpit
    Doña Remedios Trinidad
    Guiguinto
    Hagonoy
    Malolos
    Marilao
    Meycauayan
    Norzagaray
    Obando
    Pandi
    Paombong
    Plaridel
    Pulilan
    San Ildefonso
    San Jose Del Monte
    San Miguel
    San Rafael
    Santa Maria

    Archives

    September 2018
    June 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    January 2016
    December 2015
    September 2015
    August 2015
    July 2015
    May 2015
    April 2015

Powered by Create your own unique website with customizable templates.